top of page

  Kung may isang lahi man na malapit sa ating mga Pilipino, ito ay ang mga kapatid nating Intsik. Bago pa man tayo sakupin ng mga Kastila, sila na ang ating kasa-kasama mula noon hanggang ngayon.



 

  Sa kabila't kanang mapupulang tindahan at mataong lugar, may natatagong kasaysayan ang naturang lugar na ito sa Maynila. Noong 1594 nang itayo ng mga Kastila ang China Town sa kadahilanang nais ng mga Kastila na ilagay ang mga Tsino sa isang lugar sa labas ng Intramuros na kung saan ang mga Kastila naniniraha. Noong una, ang lugar na ito ay para lamang sa mga Katolikong Tsino pero kalaunan ay nanirahan na rin dito ang mga hindi katoliko.



  Ang Minor Basilica of St. Lorenzo Ruiz o kilala sa tawag na Binondo Church ay ginawa noong 1800's para maisalin ang mga Tsino sa relihiyong Katoliko. Subalit napanatili pa rin nila ang kanilang tradisyon at kultura. Dahil mahalaga ang papel ng lugar na ito sa ating kasaysayan, itinayo nila ang tinatawag na 'Goodwill Arch' na sumisimbulo ng pagkakaibigan ng mga Pilipino at mga Tsino. Ito rin ang sumisimbulo ng iyong pagdating sa Binondo. Ang puso ng Binondo ay ang kalye ng Ongpin. Ilan sa mga kilalang Pilipino ang ipinanganak sa lugar na ito tulad ni Gen. Antonio Luna at ang kaunaunahang Pilipinong santo na si Lorenzo Ruiz. Ito rin ang tinatayang pinakalumang China Town na nananatili magpahanggang ngayon.



  Nakakagulat mang isipin na may mga lugar tayo sa kalakhang Maynila sa hindi lang maganda ang tanawin at masasarap na pagkain, bagkus hitik at sagana pa sa kasaysayan. Subukang ang kultura at tradisyong Tsino dito lang sa pusod ng Maynila.

 

-Ronald Edcel Flor

China Town (Binondo, Manila)

09/23/2012

© 2012 by Bien Justine Cruz

bottom of page