top of page

Ibang Klase Ka

-Gio. 5/10/12

Sobrang dami mo ng iniisip,
Sinasabay mo pa ang pag-ibig!?
Ibang klase ka nga din, Kapatid.
Hininga mo sanay h’wag mapatid.



Ang dami-dami mong problema,
Tapos sasabayan pa ng lintik na pera!
Ibang klase ka ngang tunay sa lahat, Kuya!
Tibok pa din ng ‘yong puso ang inu-una.

Ilang beses ka ng nadapa..
Wala pa ding kadala-dala!
Sige na, ibang klase ka na!
Kahit ika’y puro galos pa.

Pero wait, ‘di naman ako galit.
Wala din akong iginigiit.
Kung ibang klase ka nga, so be it!
Pero sana ikaw ay mag-isip...



Eto lang kasi ang sa ‘kin.
H’wag mo na kasing hanapin,
Ibang klase ka naman din,
E, iyo nalang hintayin!

Hindi lang ikaw ang nag-iisa,
Madami kayo, libu-libo pa!!
Sana naman ay iyong madama,
At ito rin ay iyong makita.

© 2012 by Bien Justine Cruz

bottom of page