top of page

-A TRAVEL MAGAZINE-
LeggoSaMetro

Luneta
-Gio. 5/16/12
Mga ilaw mo’y
Imortal
Sa aking mga
Mata.
Bulong ng ‘yong
Hangin
Ay pag-ibig
Sa aking Tenga.
Simoy ng ‘yong
Bulaklak
Ay gayuma sa’king
Ilong.
Sa bawat dampi
Ng ‘yong presensya
Puso ko’y
Gumugulong.
Ikaw
Ang bumubuhay
Sa aking
Katawang Abo.
Daloy ng
Aking mga
Dugo’y
Pinabibilis mo.
Oh Luneta,
D’yan ka lang
Sa kinatatayuan
Mo,
Dahil pa-iibigin
Mo pa
Ang maraming
Pilipino.


© 2012 by Bien Justine Cruz
bottom of page