top of page

Kailan ako nabuhay?

-Gio. 2/10/12

Kailan ako nabuhay
Kung ng ako’y palabas palang
Ay para ng pinatay?


Kailan ako nabuhay
Kung ng ‘kala ko’y laya na
Tsaka naman inalay?


Kailan ako nabuhay
Kung noong mukang tapos na
Tsaka naman pinilay?

At kelan ako nabuhay
Kung noong mukang ligtas na
Ay wala palang bantay?


Ako ba ay mamamatay
At lilisanin ang Wala
Nang hindi nabubuhay?


O ako ba’y mamamatay.
Lilisanin ko ang Wala.
Kelan man, ‘di nabuhay.

© 2012 by Bien Justine Cruz

bottom of page