
-A TRAVEL MAGAZINE-
LeggoSaMetro

Isipang Magaslaw
(Isang walang kasustasustansyang tula ng isang hayahay na dilag)
-Collin 10/13/12
May mga bagay kang napagtatanto sa tuwing ika’y napapahinto
Tanong na pilit aalamin ang mga sagot kahit nakakalito
Bakit kailangan ng katapusan sa istorya ni toto?
Saan patungo ang sunod nating papasukang kanto?
Hindi ko nga alam bakit ginagawa ko ito?
Tatanghalin ba akong santo pagkatapos nito?
Mas mabuti pang mamulot at magipon ng bato
Kaysa tumaya sa walang kasiguraduhan lotto
Lahat ng ito ay impluwensya ng aking idolo
Pinipilit kong magsulat kahit hindi naman ako
Pero may magbabasa nito pusta ko
Mga kaibigang napilitan ngunit totoo
Naiintindihan mo ba ako?
Marahil hindi, marahil oo.
Isa lang naman ang nais ko sa tulang ito.
Magkaroon ng tugma na ang dulo ay ‘O’
Salamat po


© 2012 by Bien Justine Cruz