
-A TRAVEL MAGAZINE-
LeggoSaMetro

Short Stories
Putang Ama
by Denmar Madriaga on Wednesday, September 7, 2011 at 2:48pm
Sa madilim na eskinitang butil ng buwan ang nagsisilbing liwanag, pilit na isiniksik sa kanyang nagwawalang katawan ang tubong nagngangalit sa tigas. Palahaw ng garalgal na tinig ang sumiklab sa daan, sumisigaw ang kanyang luha habang sa kanyang pisngi ay dumadaan. Tanging ungol at hikbi lamang ang may tono ng kaligayahan.
Umuulan ng hapon na iyon. Walang patid ang buhos nang gabutil na sampaguitang luha ng langit na dumudurog sa bubungan ng tagpi-tagping bahay ng mag-amang Roger at Nestor. Nakakatamad ang bilin ng panahon, kitang kita sa maghapong kilos ng batang Nestor na sinunod niya ang utos nito. Pinatay niya ang limang numero sa orasan sa walang humpay na pagwagayway ng kanyang kanang paa na nakapatong sa kanyang kaliwang tuhod. Sa paglalakbay ng kanyang ulirat ay unti-unti niya ring kinikitilan ng buhay ang mga nalalabi pang numero sa orasan hanggang sa mapabalikwas siya, “Alas singko na?! Parating na si tatay. Hindi pa ako nakakapag-saing.” At mabilis na tinungo nito ang kusina.

LRT line 2
by Justine S. Cruz on Tuesday, September 6, 2011 at 1:21pm
Isang ordinaryong araw na naman para kay Julius, isang araw na kung saan gigising siya upang maghanda ng makakain, mag-aasikaso siya ng kanyang sarili, at papasok sa kanyang minamahal na paaralan. Katulad ng dati, kakain siya ng paburito niyang pandesal, iinom ng tsokolate atsaka maliligo, magbibihis at handa na siya para lumarga. Nagpaalam siya sa kanyang ina, atsaka sumakay sa luma at kulay asul niyang motor. Patungo siya sa bahay ng kanyang tita upang doon iparada ang dala niyang sasakyan, atsaka lalakad patungo sa terminal ng jeep upang doon sumakay patungo naman sa estasyon ng tren. Si Julius ay isang masipag, matalino, at may pangarap na mag-aaral. Nais niyang makapagtapos kahit na ano pa ang kanyang tahaking landas makamit lamang ang kanyang inaasam na tagumpay. Isang tipikal na mag-aaral kung tutuusin, hindi maipagkakailang maraming pangarap sa buhay.

© 2012 by Bien Justine Cruz