top of page

Luneta

Luneta, ito ang puso ng Maynila. Kilala hindi lamang sa ganda at mga natatanging lugar sa palibot nito. Pasyalan ng pamilyang nais makalanghap ng sariwang hangin, kumain ng sama-sama at maglaro. Kaya ito ang isa sa mga ‘Tourist Attractions’ sa Maynila.


Sinugod naming magbabarkada ang lugar na ito. Inikot ang paligid, nilanghap ang sariwang hangin at in-enjoy ang bawat bagay na aakit sa aming mga paningin. Kumuha ng litrato sa mga bench, pumasok sa Japanese Garden. Hinabol ang mga kalapating payapang tumutuka sa lupa.

Naghabulan at magtaya-taya. Panuorin ang ‘dancing fountain’ na sinabayan ang pag-indayog nito sa masiglang musika patungo sa himpapawid at mamangha sa iba’t-ibang matitingkad na kulay nito sa tulog na gabi. Ito ang ilan sa mga bagay na aming ginawa dito. At ang pinaka tumatak, ang pagsakay namin sa kalesa, patakbuhin ito at libutin ang distansya paikot sa monumento ni Rizal. Katumbas ng saya sa bago naming karanasan, ay ang pagbabalik tanaw sa kasaysayang saksi ang lupang aming tinapakan. Ang lupang kinabagsakan ng bayaning lumaban nang walang hiniling na dahas. Ang bayaning nagmulat sa mga mata ng mga Indio na lumaban para sa kasarinlan.


Ito ang Luneta,  ang kasaysayan sa puso ng Maynila.

© 2012 by Bien Justine Cruz

bottom of page